Yin-Yang

May isang babaeng nagngangalang Yin. Mabait siya, matalino, hindi kagandahan pero maraming kaibigan. Nangako siya noon sa kanyang sarili na hindi na muna siya magmamahal uli, dahil nga nasaktan na siya, mmm... siguro crush, crush lang muna. Tutok na tutok siya sa kanyang pag-aaral para makakuha ng matataas na marka at ipagmalaki sa kanyang ina.

Ngunit ang lahat ng ito ay nagbago nang tumungtong na siya sa ikaapat na taon. sa loob pa lamang ng ilang buwan, marami na siyang napagdaanan. hindi niya naalagaan ang kanyang pag-aaral, ayan tuloy, hindi siya nakasama sa mga naparangalan noong unang markahan. Ibinuhos niya ang kalahati ng kanyang panahon sa pag-aaral, at kalahati naman sa musika, partikulas na sa pagsasayaw. Dito niya nailalabas ang kanyang mga saloobin lalu na kapag marami siyang problema. At isa pa, pampapayat rin yun noh. Nag-gugol siya ng panahon sa pag-eehersisyo, aya niya kasi tumaba noh. Oops! wala akong pinariringgan ah. hihi.. Natuto siyang mag-alala ng husto, lalo na sa isa niyang kaibigan. Kaso parang masyado nang napapalapit ang damdamin ni Yin sa kanya. Minsan nga pag nagseselos siya, dinadaan niya na lang sa biro, alam niyo na "trip niya lang". Pero wala lang yun, naisip lang ni Yin na parang wala nang panahon sa kanya ung kaibigan niyang yun. Gayun pa man, nangako siya sa sarili niya na "didistansya muna ko, baka sakaling lumipas tong kabaliwan ko". Nagdaan ang ilang linggo, ngunit hindi niya ito natupad. Nasabi na lang niya "hindi ko pala kaya, kaibigan ko eh.. mahalaga pa"

Gabi ng Setyembre 22, 2006, tinawagan ni Yang si Yin. Marami silang napag-usapan, naubos pa nga yung baterya ng telepono ni Yin eh. Grabe noh? Nagkwentuhan sila, nagkamustahan sa "love life" ika nga. Nagulat si Yang nang may itanong si Yin, "Yang, umamin ka ah.. sa tingin mo, sumusobra na ba?" Hindi alam ni Yang ang dapat sabihin, kaya nang-asar na lamang siya, "ha? oo eh.. uuuuuyyy, iba na yan!" Natahimik si Yin. Nag-isip siya, nag-isip ng napakalalim. Sinabi na lang niya sa kaibigan, "sige, simula ngayon ibabalik ko na yung pangako ko"
-Laurice Mae San Jose

I-Rate ang aming site...