UST Growling Tigers

ni: Jabs Cuan & Paulo Guevarra

Ang UST GROWLING TIGERS ay isa sa mga paborito ng marami para mag kampyeon ngayong UAAP Season 70 pagkatapos ng kanilang mala-"Cinderella Story" pagkapanalo sa nakaraang UAAP Season 69.

Nagsimula ang kampanya ng UST noong Hulyo 08, 2007 kung saan kinalaban ng Tigers ang UE Red Warriors. Pinuno ng alumni at ng mga estudyante ang Cuneta para mapanuod ang laban. Dikdikan ang laban ng dalwang koponan hanggang uminitang mga 3-point shooter ng UE Red Warriors para tuluyang ilayo ang laban at manalo sa iskor na 73-60. Nagtuloy tuloy angkamalasan ng UST nang talunin sila ng FEU sa iskor na 81-66. Pagkatapos ng dalawang sunod na pagkatalo ng Tigers marami naang nagduda sa kakayahan nila para depensahan ang kanilang trono. Gamit ang kanilang 3P o PRIDE PUSO PALABAN bumangon angkoponan ni coach Pido Jarencio nang manalo sila ng tatlong sunod na laro at tapusin ang kanilang 1st round sa rekord na 4-3.

Sa unang laro ng Tigers sa 2nd round kinalaban nila ang DLSU Green Archer na matagal na nilang hindi natatalo. Dehado ng 12 puntos, 69-57, 1:57 minuto nalang ang natitira sa laro marami na ang nagiisip at nagsasabi na matatalo nanaman ang UST sa kamay ng DLSU Pero dahil sa "never say die attitude" ng TIGERS hindi sila sumuko at nagawa nila ang imposible ng talunin nila ang ARCHERS sa Overtime sa iskor na 81-73.

Natapos ang TIGERS sa rekord na 8-6 kung saan tumabla sila sa FEU. Dahil nagtabla ang dalawang koponan naglaban ulisila para malaman kung sino ang makakapasok sa step ladder format. Sa laban na ito nagpamalas ng kakaibang bangis ang tigrenang supresahin nila ang marami nang tambakan at talunin nila ang FEU.

Matapos nila talunin ang FEU Tamaraws hinarap ng UST ang ADMU. Ang EAGLES ay ang koponan na tinalo ng TIGERS noongnakaraang finals ng UAAP 69. lumaban ang Tigre sa abot ng kanilang makakaya ngunit sa huli ang eagle ang nagwagi. Pagkatunog ng huling buzzer para sa koponan ng UST nakita ng marami na napaluhod si coach Pido at napaiyak dahil hindi niya inakala nadoon na magtatapos ang kanilang kampanya para depensahan ang kanilang trono. Halos lahat ng nasa Araneta ay gustong yakapin at patahanin si coach Pido at iba pang manlalaro dahil alam naman nila na ginawa ng TIGERS ang lahat ng kanilang makakaya.

Nakakatuwang isipin na kahit anu pa man ang mangyari nandyan parin ang mga almuni at estudyante na handang sumuporta sa TIGERS manalo man o matalo. nang palabas na ang mga player sa Araneta sinalubong sila nang naghihintay na mga taga suportasumisigaw nang "UST Let's Go Fight! UST Let's Go Fight!". Maaring tapos na ang kampanya ng UST GROWLING TIGERS ngunit kahitanong mangyari hindi matatapos ang suporta ng mga Tomasino sa mga TIGRE ng EspaÑa.

I-Rate ang aming site...