Isang araw sa parke, isang grupo ng magkakaibigan ang nag-uusap, nagkukulitan at naglolokohan sa may damuhan. Sa lakas ng kanilang pagatawanan, hindi nila napansin ang kanilang kamag-aral na si Ishna na nakaupo sa may ilalim ng puno habang nababasa ng libro. Si Ishna ay labimpitong taong gulang. Isang magandang dalaga na nag-aaral sa mataas na paaralan ng San Vicente. Isa siyang matalinong estudyante ngunit ni minsan ay hindi nakita ng kanyang mga guro o kamag-aral na ngumiti, maging masaya o magmahal sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Dahil sa kaingayan sa parke, pinuntahan ni Ishna ang grupo at kinausap:
"Paumanhin, maaari niyo bang hinaan ang inyoung mga boses."
"Pasensya na Ishna. Nandyan ka pala."
"Gusto mong makipagkwentuhan sa amin? Halika, umupo ka dito."
Hindi sumagot si Ishna at agad na bumalik sa kanyang inuupuan. Sa kanyang paglalakad, narinig niya ang mga binitawang salita ng grupo:
"Ang sungit talaga ni Ishna."
"Oo nga! Kaya pala wala siyang kaibigan."
"Maganda nga siya, ang pangit naman ng ugali niya."
Hindi napigilan ni Ishna ang lumuha. Dali-daling umalis si Ishna at simula noon ay
hindi na siya nakita. Pagkaraan ng dalawang taon, isang binata ang naghahanap ng bahay na matutuluyan.
Siya si Jerome Gonzalez, isang binatang pilipino na lumaki sa bang bansa. Bumalik siya ng Pilipinas upang magsimula ng bagong buhay at subukan ang kanyang kapalaran dito sa Pinas. Hindi naglaon, nakahanap na si Jerome ng tirahan atmatapos ang ilang linggo ay nakalipat na siya. Kinagabihan, nagbukas siya ng kanyang yahoo messenger. Nang siya ay mag-online, isang babaeng nagngangalang Crisia Hannah ang nag-add sa kanya.
G: ☺
I:Hello! Crisia Hannah ito.
G: Hi!
G:Ako naman si Jerome. 20 taong gulang.
G:pwede ba kitang maging kaibigan?
I: oo naaman.
I: ako ay 19 taong gulang.
Buong gabi silang nag-usap. At doon nagsimula ang isang magandang pagkakaibigan.
Gabi-gabi ay masaya silang nagchchat hanggang sa:
G: Hi Crisia! =>.. Anong ginagawa mo?
I: ^^,, nagbabasa lang ng mga artikulo sa yahoo. Ikaw?
G: Wala naman… Alam mo ba,,
G: Lagi kitang naiisip.. Mahal na ata kita..
(Crisia is now offline)
Nabigla si Jerome sa ginawa ni Crisia. Buong gabi siyang hindi mapakali sa kakaisip kay Crisia. Kinabukasan, laman pa rin ng isip ni Jerome si Crisia. Dahil dito, naisip niya na maglakadlakad muna sa parke. Sa kanyang paglalakad, may nakita siyang isang magandang dalaga na naka-upo sa ilalim ng puno habang nababasa ang libro. Naakit siya sa dalaga. Nang mga oras na lalapitan niya ang dalaga, biglang tumawa ang kaibigan ni Jerome sa kanyang cel. Pagbaba niya ng cel, biglang nawala ang dalaga. Pag-uwi, nagbukas ng ym si Jerome at nakita niya ang messages ni Crisia na humihingi ng paumanhin. Nang gabi ding iyon, nag-usap ang dalawa at doon nalaman ni Jerome na iba si Crisia sa mga nakilala niyang babae. Hindi pa umiibig si Crisia at hindi niya alam kung ano ang pag-ibig. Dahil dito, nangako si Jerome na ipapakita niya ang tunay na nararamdaman niya kay Crisia kahit hindi pa sila nagkikita.
Pagkalipas ng ilang gabi, sa ym:
G: Mahal kita..
I:…
G: Maaari ba tayong magkita?
I: huh?
G: Magkita tayo sa may parke.. Magsusuot ako ng asul na polo para makita mo ako agad.
I: hmmm…
I: Sige,, magsusuot ako ng rosas na bistida.
Kinabukasan..
"Crisia?"
"Jerome?"
"Ikaw nga! Ikaw 'yung babae na nakita ko dito.. Nakaupo sa may puno."
"ibig mong sabihin matagal mo na akong nakita??"
"oo!"
Sa pagkikita ng dalawa, lubos na kasiyahan ang kanilang naramdaman. Dahil doon, Nagkasundo sila na muling magkita kinabukasan at sa mga susunod pang mga araw. Sa gabi ng unang pagkikita, nagkaroon ng salo-salo sa bahay ng kaibigan ni Jerome. Ikinuwento ni Jerome sa kanyang mga kaibigan ang tungkol kay Crisia:
"Crisia? Crisia Hannah?"
"Oo, kilala mo siya?"
"oo, patay nasiya di ba?"
"Ano ka ba pare, kakakita lang namin kanina."
"Sandali.. Mga tol, Crisia Hannah ba ang boung pangalan ni Ishna? 'yung kamag-aral
natin?"
"Oo.. Di ba patay na 'yon?"
Nagulat si Jerome sa mga sinabi ng kanyang mga kaibigan. Sa kanyang pag-uwi, hindi muna siya nagbukas ng ym at itinulog na lamang ang lahat ng kanyang narinig. Kinabukasan sa parke, gulong-gulo pa rin si Jerome. Napansin to ni Crisia:
"May problema ka ba?"
"Ahmm, ang tawag ba sa iyo ng mga kamag-aral mo noon ay Ishna?"
"Oo, Bakit? Paano mo nalaman?"
"(Gulat) Mu..mul…multo ka ba?? Bakit ka nagpapakita sa akin?"
"whahaha!!"
"(naguguluhan)"
"Mukha ba akong multo?? Sino naman ang nagsabi sa iyo na patay na ako?"
"kahit hawakan mo pa ako,, buhay ako."
"Sinabi ng mga kaibigan ko ng dating kamag-aral mo, na namatay ka daw sa isang
aksidente."
Nang mga oras na iyon, nalaman ni Jerome na si Crisia Hannah o Ishna ay nasagasaan ng kotse noong siya ay tumatakbo mula sa parke. Iyon ang panahon na narinig ni Ishna ang masasakit na salitang binitawan ng mga kaibigan ni Jerome. Agad na isinugod si Ishna sa hospital at siya ay nailigtas. Ngunit, dahil sa lubos na kalungkutan, pinagpasyahan ng kanyang pamilya na palihim siyang dalhin sa ibang bansa at ipalabas na siya ay namatay sa aksidente. Pagkaraan ng dalawang taon, bumalik si Ishna sa Pilipinas pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa ibang bansa. Sa kalagitnaan ng kanilang pagkekwentuhan, biglang umulan ng malakas kaya agad silang tumakbo sa kotse ni Jerome at umalis. Pagdating sa bahay ni Jerome, agad niyang napansin na naiwan ni Ishna ang kanyang bag sa kotse ni Jerome. Isang kwaderno ang nalaglag pagkakuha ni Jerome sa bag. Ang kwadero ay nagbukas sa isang pahina na naglalaman ng:
1. Tuwang-tuwa ako sa binigay na kwintas ni Ama sa akin. Sana bigyan niya ako ng
kwintas na may locket.
2. Nakabalik na ako ng Pilipinas. Masay talaga dito sa Pinas.
3. Dumating sa buhay ko si Jerome. Ayaw ko siya…
Pagtingin ni Jerome sa kabilang pahina, wala nangg nakasulat. Umiyak siya ng umiyak dahil kanyang inakala na mahal na rin siya ni Ishna. Kinabukasan, sa parke, ibinalik ni Jerome ang bag at ang kwadero ni Ishna at dali-daling umalis. Nakita ni Ishna ang isang kwintas na may locket sa pahina kung saan kanyang sinaad na "Ayaw ko siya.." Naiyak si Ishna dahil sa reaksyon ni Jerome na nagsasabing nabasa niya ang dapat na hindi mabasa at kung nabasa na ay hindi niya binasa ang huling pahina. Hinabol ni Ishna si Jerome upang magpaliwanag. Sa pagsigaw ni Ishna sa pangngalan ni Jerome, lumingon ito at biglang nasagasaan. Naisugod si Jerome sa hospital ngunit at hindi na nailigtas. Puno ng luha si Ishna at patuloy niyang sinisisi ang kanyang sarili sa pagkawala ni Jerome. Dahil sa galit at kalungkuta, itinapon ni Ishna ang kanyang kwaderno at nagpasyang umalis ng bansa, hindi na muling babalik pa.
Ano ba ang katuloy ng mga nakasulat na "ayaw ko siya.."? Sa huling pahina ng
kwaderno, nakasulat ay "ayaw ko siya na mawala sa aking buhay. Dahil sa kanya naiba ang direksyon ng aking buhay. Bukas, sa parke, sasabihin ko sa kanya na "Mahal Kita."

-LydiaTO Madayag