Kahalagahan at ang Intelektuwalisasyon ng ating Wika

Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mga estudyante ay ito ay isang mahalagang salik ang wika sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at angkop na paggamit ng wika, nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman, ng ating mga mithi at nararamdaman. Sa bawat aspekto ng ating pag-iral ay gumagamit tayo ng wika kapag nagpapalitan ng mga sikreto sa pagitan ng ating malalapit na kaibigan, kapag sumasagot sa klase o nagsusulat ng iba't ibang term paper, sa mga oras ng review para sa eksamen, lahat ay gumagamit ng wika. Dito nakasalalay ang epektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao. Ngunit gaya nga ng nabanggit kanina, kailangang hasain ang wika sa isang kaukulang lebel upang magamit ito nang maayos. Kaya naman may mga kurso tayo sa grammar o balarila, at sa literature o panitikan. Sa pamamagitan ng mga kursong ito, lumalawak ang pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa paggamit ng iba't ibang mga salita upang makamit nila ang kanilang mga nais gawin. May matibay na relasyon ang pagbabasa at pagsusulat, sapagkat hindi maaaring umiral ang isa kung wala ang isa pa. Habang umuunlad ang ating kakayahan sa pagbabasa ay inaasahang umuunlad din ang ating kakayahan sa pagsusulat. Ginagamit rin ang wikang Filipino upang mas lalo pang nagbubuklod buklod ang bawat isa sa ating bansa.

Sa kabila nito, hindi pa rin ito sapat upang masabing intelektwalisado ang wikang Filipino kung ikukumpara sa ibang wika tulad ng wikang ingles.

Sa aking palagay, kinakailangang pag-aralan nang mabuti ang proseso ng intelektuwalisasyon bago pa man ito isagawa. Kailangan ding maintindihan ng mga tao na ang ating wika ay hindi unibersal tulad ng wikang Ingles. Maisalin man natin ang lahat ng salita sa Filipino, hindi pa rin ito magiging dahilan upang gamitin ng lahat, lalo pa’t pag-aralan ng ibang tao mula sa ibang bansa. Hindi nito masisiguro na ito’y gagamitin sa pang-araw-araw na buhay. Bukod pa rito, hindi rin ito magiging madaling proseso kung ito’y ituturo sa mga mamamayan. Sa kabilang banda, dapat din ay bigyang pansin at pagkakataon ang mga nais magtaguyod ng pag-intelektuwalisa ng wikang Filipino. Mataas ang respeto ko sa kanila dahil bagama’t mahirap ang kanilang mga nais mangyari ay hindi ito nagiging hadlang upang silay’y magpatuloy. Kung mabibigyan sila ng pagkakataon ay marahil maintindihan din kung bakit hindi kinakailangang iintelektuwalisa ang wikang Filipino sa bawat larangan. Bukod sa hindi magiging simple ay hindi rin ito ang tanging paraan upang itaguyod ang sariling wika. Ang intelektuwalisasyon ng Filipino ay hindi imposible, ngunit sa ating panahon ngayon, hindi rin ito lubusang magagamit. Bukod pa rito ay hindi na rin mapapalitan ang katotohanang Ingles pa rin ang unibersal na wika.


-Karen Hazel S. Almario

I-Rate ang aming site...