ni: Laurice Mae San Jose
Dalawang naglalakbay na anghel ang tumigil para magpahinga sa tahanan ng isang mayamang pamilya. Ang pamilyang iyon ay may pagka-bastos, at tumangging patuluyin ang mga anghel sa guest room ng kanilang mansyon. Sa halip, pinatuloy nila ang mga anghel s isang masikip at malamig na silong. Habang inaayos nila ang kanilang tutulugan sa sahig, ang mas nakatatandang anghel ay may nakitang butas sa dingding, at agad itong inayos. Nang magtanong ang nakababatang anghel kung bakit niya ito ginawa, sumagot ang nakatatandang anghel, "di lahat ng nakikita ay totoo."
Nang sumunod na gabi, ang dalawa ay nagpahinga sa bahay ng isang dukha, ngunit magigiliw tumanggap na magsasaka at kanyang asawa. Matapos nilang pagsaluhan ang kakaunting pagkain, pinatuloy ng mag-asawa ang mga anghel sa kanilang kama kung saan sila’y lubos na makakapagpahinga. Nang dumating ang umaga, nakita ng mga anghel na umiiyak ang magsasaka at ang kanyang asawa. Ang kaisa-isang baka, na pinagkukunan nila ng gatas para pagkakitaan, ay nakahandusay sa bukid at patay na. Galit na galit ang nakababatang anghel, at tinanong ang nakatatandang anghel kung bakit niya hinayaang mangyari iyon? “Ang unang pamilya ay mayroon na halos lahat ng bagay, ngunit tinulungan mo pa siya. Ang pangalawang pamilya ay salat na, pero handa pa ring tumulong sa kanilang kapwa. Pero hinayaan mong mamatay yung baka”.
"Di lahat ng nakikita ay totoo," sagot ng nakatatandang anghel. “nang naroroon tayo sa silong ng mansion, napansin kong mayroong ginto na nakatago sa butas ng dingding. Yaman in lamang ang mga may-ari ay gahaman at mararamot, tinakluban ko ang butas para hindi na nila ito Makita pa.” “kagabi, nang tayo ay matutulog na sa kama ng mga magsasaka, ang anghel ng kamatayan ay dumating para kunin ang may-bahay ng magsasaka. Sa halip, binigay ko na lamang ang baka.” "di lahat ng nakikita ay totoo."
Minsan, ganyan mismo ang nangyayari sa tuwing hindi maganda ang kinalalabasan ng mga bagay-bagay. Kung meron kang pananalig, kailangan mo lamang maniwala na bawat resulta ay tungo sa iyong kapakinabangan.