Ang Tunay na Issue

Ni: Alfred Rivera

Laman ng nakalipas na pahayagan ang tungkol sa pagiging akusado ng dating Pangulong Estrada at ng iba pang kilalang pangalan. Sinasabi na siya raw ay nagkasala sa bayan sa kasong pandarambong.

Marami ang nanood at sinubaybayan ang mga pangyayari sa nasabing kaso. Marami ang nagulat at marami rin ang nagalak. Kahit na siya ay nakasuhan marami pa rin ang naniniwala na si Erap ay para pa rin sa mahihirap. Kahit nailantad na ang mga ebidensya hindi parin sila naniniwala na si Erap na naturingan na para sa mahirap ay nangurakot ng pera na galingsa mamamayan na ang karamihan ay mahihirap.

Ano na ba talaga ang nangyayari sa ating bayan, puro na lang kasiraan at kalokohan. Wala na bang pagbabago. Simula noong una pa may katiwalian na. Ano bayan hindi ba tayo matututo. Hindi pa ba tayo nadala. Tama nga talaga ang kasabihan na ang kapangyarihan at pera ay iisa, kayang sumira ng kahit na sino. Ganoon na ba talaga tayo kahina na konting pangako lang ay may mabibighani na. Paano na ang mga pinaniniwalaan, pinaglaban at pinotektahan ng mga ninuno natin. Wasak na lahat ang kanilang pinaglaban. Sira na ang ating bansang pinagsilangan. Sino na ang liligtas sa atin, kung lahat ay madali nang maakit. Nasaan na ang pagasa ng bayan na sinasabi ni Rizal. Nasaan na ang ating dignidan. Ano nga ba ang ibig sabihin ng tunay na Pilipino.

I-Rate ang aming site...