Nandito

-Amboring-

Isang araw, nakilala kita
Hindi ko malaman kung bakit ako natuwa
Hindi ko talaga maintindihan
Kung bakit kita hinahangaan

Ang pagiging perpekto
Nakita ko na yata sa iyo
Oo, ibang-iba ka sa kanila
Pero ‘di ko alam kung anong nakita ko sa’yo

Kapag ramdam mong wala ka nang kasama
Huwag kang mag-atubiling lumingon sa likuran mo
Nandito lamang ako,
Patuloy na humahanga’t nagmamahal sa’yo

I-Rate ang aming site...