Si Maximo Oliveros ay isang nagbibinatang bakla. Kahit na ang kanyang pamilya ay nabubuhay sa pagnakaw at pagdurukot, siya ay responsible at mapagmahal sa pamilya. Ginagampanan niya ang tungkuling maglaba, magluto at maglinis para sa kanyang pamilya.
Ang storya ay nakatuon sa pagkakakilala ni Maximo sa isang mabait, gwapo at tapat na pulis na si Victor. Dahil sa pagkakaiba ng pananaw ni Victor at ng pamilya ni Maximo, nagkakaroon ng hindi pagsang-ayon at pagkakaunawaan.
Ang pelikula ay hindi maaaring panoorin ng lahat. Isang dahilan ay ang mga kabaklaang nilalaman nito. Isa pang dahilan ay ang magulong bakground ng pamilya ni Maximo. Ngunit bagama't ito ay mayroong mga isyu, hindi maitatanggi na mabuti naman ang hangarin nito. Ipinapakita rito ang pagiging magalang at responsible kahit na alam mong may pagkakamali ang pamilya.
“Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” ay isang pelikulang mayroong maraming asal na matututunan. Kahit na ito'y maaaring mapagkamalan na pang-aliw lamang, nararapat lamang itong panoorin ng mga taong may malawak na pang-unawa at pag-intindi sa isinasaad na mensahe nito.

-Gerald Ke