Transformers (2007)

Nagsimula ang Transformers bilang mga laruan na pumatok sa masa dahil ang transformers ay mga robot na nagiging mga simpleng pangaraw-araw na mga bagay, tulad ng mga kotse, eroplano, at iba pa. Sa matinding kasikatan nito, ang transformers ay naging isang palabas sa telebisyon na naging paborito ng bata. Ngayong taon ay ipinalabas ang Transformers bilang isang pelikulang puno ng special effects at ginampanan ng mga totoong tao.

Nang napanuod ko ito, agad akong nagandahan sa effects at nabilib sa pagsasadula sa mga bida at kontrabida. Ang storya nito ay di lumayo sa orihinal na storya, ang labanan ng mga mababait na autobots at marahas na decepticons. Simple lang ang storya ng pelikula, kahit mga bagong manunuod palang ay hindi malilito at makakasunod agad sa storya nito. Para sa mga dating nang fans ng Transformers pamilyar na sila sa mga iba’t-ibang elemento ng pelikula. Ang design naman ng mga Transformers ay di ren gaano lumayo sa orihinal nitong design. Ginawa nilang masmakatotoo kumpara sa itsura nito bilang isang cartoon. Ang pinaka bidang autobot na si Optimus Prime ay isa parin truck na blue and red ang kulay ngunit hindi na siya “Flat-nose” na truck, tulad ng dati. Isa sa mga kapansin-pansin na sangkap ng pelikula ay ang paggamit sa boses ng orihinal na aktor na gumanap bilang Optimus Prime sa cartoons. Kaya kahit iba na ang kanyang itsura, Optimus Prime ito sa puso. Karamihan rin sa mga transformers ay iba ang itsura ngunit maikukumpara mo ito sa orihinal. Puno ang pelikula ng malupit na aksyon at sa ibang eksena ng pelikula na nakakatawa. Makatotoo ang aksyon dahil sa ganda ng “special effects”.

Sa kabubuan, ang Transformers (2007) ay isang “innovation” sa mundo ng Transformers. Matagumpay ang transisyon ng Transformers bilang palabas sa telibisyon at paglipat sa sinema. Para sa mga mahilig sa mga nakaraan na na tulad ko, kahit hindi ito talagang dikit sa orihinal, ito lamang ay ginawang angkop sa panahon ngayon pero sa puso pareho na rin ito sa orihinal. Tatlong beses kong napanuod ang Transformers sa sinehan at masasabi kong sulit ang binayad ko. Recommend ko ang pelikula sa lahat ng klase ng mga manunuod.
-Kristian Sebollena

I-Rate ang aming site...