Ni: Raphael Enriquez
Ang Pilipinas ay isa sa mga pinakamahirap na bansa sa buong mundo. Naitalang karamihan ng naghihirap sa Pilipinas ay nasa mga rural na pook. Maraming sanhi ang kahirapan ng naghihirap sa Pilipinas ;Bilang halimbawa, ang mababang pagbigo ng produksyon ng agrikultura,pag-ipit ng pondo para sa pagpapagawa ng mga nakararapat na produksyon ng agrikultura,pag-ipit ng pondo para sa pagpapagawa mg mga nararapat na gusali sa isang rural na siyudad,hindi pantay na distribusyon ng sahod at lupa,mabilis na pagtaas ng bilang ng populasyon,at marami pang iba na, hindi lang maaari,kung di talagang nkaaambag sa aspetong ito.sabi nga ng iba,salot lamang ang mga pulubi,ang mga kung tawagin ay “taong kalye”. Para sa iba,tama ang deklarasyong ito.Ngunint,hindi man lang ba tayo titigil nang mabuti “salot ba talaga sila?” kunga salot sila,bakit pa sila ginawa ng maykapal,kung gayong manggugulo lamang sila.
Noong 2003, tinatayang 23.8 milyang mamamayan ang nanirahan sa ibaba ng “poverty line”. Ito ay 24% ng mga pamilya at 30% ng kabuuang populasyon ng mga taong naninirahan sa Pilipinas, ang natitra ay nasa mga maykaya at mayaman na. May mga salik na nahihiwalay sa mganakaaangat at sa mga naghihirap. Siyempre,nandyan na ang antas ng pagsisikap,talento,abilidad,kakayahan mag trabaho,pasang negosyo ng pamilya,at iba . Ngunit ligid sa ating kaalaman ay kasama rito ang wika. Bilang midyum ng pagkaka-unawan at komunikasyon,ang wika ay talagang importante at kailangan sa araw araw na pamumuhay.Malaki ang naiaambang nito sa buhay,subalit maari rin itong maging mapanira.Sa ngaypn,ang ikang Ingles at Filipino ang ginagamit st komon na lingua franca sa Philipinas.Ayon sa tekstong Ang kapangyarihan ng Wika,Ang Wika ng Kapangyarihan ng Sinulat ni Conrado de Quiros,”Ang Ingles ay hindi nagging paraan para sa pag uusap ng mga mamamayan,nagging paraan ito para sa kanilang paghahati. Nagdudulot ito ng kawalan ng komunikasyon. Ano man ang sabihin mo,matino o hindi,kapag sinabi sa Ingles ay nagkakaroon ng mabigat na halaga,ng class,na palatandaan ng kaalaman.” dahil dito,nagkakahiwalay ang mga mamayan.Mas natutuunan ng pansin ang mga “nakakapag-aral”,at nababalewala ang mga hindi nakakapag-aral.Hindi sila napakikinggan,sa halip ay naisasantabi sila.
Sa kabilang dako,dapat din naman tayong magpasalamat sa mga “naghihirap” na mga mamamayan.Hindi ba’t sila ang nagprepreserba ng Inang Wika,ang Filipino? Maging iba’t-ibang man dayalek, sosyolek o idyolek, Filipino pa rin ang lumalabas sa bibig nila; ang lenggwahe ng masa. Totoo na naghahari ang Ingles sa buong mundo pagdating sa wika, ngunit hindi dapat ito maging dahilan ng pag-aaway o paghihiwalay ng isang masigasig na lahi. Hindi dapat ito ang pumuksa sa pagbubuklod ng mga Pilipino.Dahil kahit ano man ang mangyari, nagging Pilipino,at mananatiling Pilipino ang sambayanan ng Pilipinas.