Isa sa mga panibagong laro na ginawa para sa isa sa console na Xbox 360. Isa ito sa mga larong kung tawagin ay ‘third-person shooter’. Bibigyan ka ng kontrol sa isang tao tapos dapat matapos mo ang misyon na ibinigay sayo habang dinedepensa mo ang sarili sa mga humahadlang sau na kalaban upang matapos ang iyong misyon. Dahil isa itong laro sa Xbox 360, ito ay gumagamit ng pinakabagong teknolohiya sa ‘graphics’ at para sa mga may mga HDtv makikita ang mataas at magandang detalye. Lalo mong masisyahan ang laro dahil sa kagandahan ng kapaligiran gamit nag HDtv.
Ang storya ng Gears of War ay nanyari sa planeta ng Sera isang coloniyal na planeta. Isa syang payapa at tahimik na lugar hangga’t sa lumabas ang ‘Locust Horde’, na kung tawagin, at sinimulan na atakihin ang mga tao na namumuhay sa ibabaw ng planeta.
Ang punong tauhan ay si Marcus Fenix isang sundalo ng COG (Coalition of Ordered Governments) na ikinulong dahil sa hindi pagsunod ng utos upang sagipin ang kanyang tatay. Nahuli siya tapos ikinulong. Nung pinapasok na ng kalaban ang kanyang kinakukulungan, may isang matagal ng kaibigan ang nagpakawala sa kanya at binigyan sya ng baril upang sumali ulit sa laban.
Hindi masyado sa storya ang laro dahil nakapokus sya sa takbo ng laro. Hindi sya laro basta basta na suguran dahil siguradong dedbols ka sa gawain na un. Gagamit ka ng mga iba’t ibang bagay na nakakalat sa daan katulad ng mga bato o sirang kotse upang maligtas ang sarili sa kapahamakan. At gagawin mo ito upnag onti-unti na maitulak ang kalaban.
Hindi madadaan sa mga salita ang kagandahan ng larong ito. Tinatapos ko na ang aking review dito dahil hindi ko pa nalaro masinsinan ang larong ito dahil nakikilaro lang ako at mahal kahit pirated pero sulit ang pera dahil matutuwa ka sa ganda ng laro at graphics.

-Jan Rafael M. Javier