Sorry Dok!

ni: Jordan Lacson


"Can I check those diplomas because I want to make sure that they're not from some med school in the Philippines."

Linyang binitawan ni Teri Hatcher bilang Susan Mayer sa isang nakakatawang palabas sa TV na kilala bilang “Desperate Housewives”. Karamihan sa mga pinoy ang nasaktan sa “racist line” na nabitawan at humihingi sila ng paumanhin mula sa ABC network at sa nasabing palabas at pati na rin sa aktres.

Pero kung titingnan mo, ano nga ba talaga ang ikinagalit ng ma Pilipino? Sinabi naman na “some med school in the Phippines”, hindi naman niya tinukoy lahat ng med school sa Pilipinas. Totoo naman na may mga institusyong medikal dito sa ating bansa na hindi nakakaabot sa istandards para matawag na magaling na institusyon. Sa tingin ko, parang naulit ang nangyari nung inilarawan ni Claire Daines sa isang reporter ang Pinas bilang marumi at magulo. Ang tinutukoy naman pala niya ang mga “squatters area” dito sa bansa nating magaling na pinamumunuan ng mga linta! Eh, totoo naman na marumi at magulo ang mga lugar na iyon! At kung may mga nagalit man sa kanya dahil dun, matanong ko kayo kung bakit? Karamihan naman talaga sa mga pinoy ay mahihirap at walang mga tirahan. Kaya nagmumukha ngang ganoon ang Pilipinas. Dagdagan niyo pa ang “Pang-gulo” na dwende at ang “Gobernador ng Diyos” kung saan ako nang-galing!

At kung tutuusin, ang nasabing palabas ay komedy! Napakasensitibo naman ng mga pinoy kung seseryosohin nila ang isang maliit na biro. Isipin niyo na lang, ang mga “African-American” sa Amerika, todo diskriminasyon ang binibigay sa kanila ng mga puti. Tayo isang biro lang sa isang komedy pa na palabas maiinsulto na? Ni nga problema tinatawanan lang ng natin pano pa kaya ang biro?

At ang huling tanong ko ay ano ba ang magagawa ng mga naiinis diyan kung “racist” ang ginaganap na karakter ng aktres? Bakit pati siya hihingan ng paumanhin, e binabayaran lang naman siya para umarte? Ika nga, “Trabaho lang po. Walang personalan.”

I-Rate ang aming site...