Rebyu ng RF Online

Simula noong mailabas ang larong ito ay hindi na naawat ang mga manlalaro mula sa paglalaro nito. Hindi ko sila masisisi sapagkat maging ako ay nagandahan sa larong ito. Maganda ang “gameplay” at “graphics” ng larong ito kaya naman marami ang naengganyong maglaro nito. Kung ikukumapara sa mga kasabayang laro ng RF online, walang-wala sila dito, kakaiba ang naisip na ideya ng gumawa ng larong ito. Ngunit kung may pagkakaiba ay may pagkakapareho din siya sa ibang laro, kagaya ng ibang laro ay MMORPG din ito. Bagamat medyo may kamahalan ang paglalaro nito dahil sa “load”, madami pa din ang tumatangkilik nito.

Ako ay isa din sa mga fanatics ng larong ito kaya naman alam ko kung ano ang dahilan kung bakit na napakadaming nahuhumaling sa larong ito. Sa larong ito hindi lang ‘clans’ ang meron dito. Sa larong ito pwedeng pumili ang manlalaro sa isa sa tatlong angkan na nagegerahan. Ang tatlong grupo ay ang Bellato(tao) Accretia(robot) at ang Cora(diwata(elf?)). Ang bawat isang grupo ay may espesyalidad. Ang Bellato ay bihasa sa mahika at teknolohiya, ang Accretian ay nagbigay pokus sa teknolohiya at ginawang makina ang sariling katawan kapalit ang mga katawan nilang natural, at ang Cora naman na galit sa makina ay may kakayahan na humingi ng tulong sa kanilang diyos.

Bukod sa makabagong graphics kumpara sa mga kasabayan nito, maganda ang konsepto ng laro na ito. Karaniwang sa karamihan ng online games ngayon ay ang “paglevel-up” na ang mangyayari ay papatay ka nalang ng maraming kalaban o halimaw. Bukod sa level binibigyan ang bawat isang panauhin mo ng ranggo. Ang ranggo mo ay napapataas sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga gawain na ibibigay sayo ng mga npc(non-player character) o kaya sa pagpatay ng sundalo ng kabilang panig.

Imbis na sa karaniwang ‘guild wars’ ng ibang laro, meron ito na kung tawagin na ‘chip wars’. Sa larong ito, pinagaawayan ng tatlong hukbo ang minahan sa planeta na kinalalagyan nila dahil dito nila makukuha ang lahat ng pampalakas na materyales para sa kanikanyang sandata. Ang misyon sa chip wars ay ang sirain ang chip ng kabilang panig habang dinedepensahan ang sariling chip sa atake ng kalaban. Ang mananalo sa labang ito ay mabibigyang pahintulot na magmina ng malaya sa buong mapa ng minahan.

Dito ko na po tinatapos ang aking review dahil. Inaanyayahan ko po kayong subukang laruin ang larong ito upang makita niyo ang kagandahan ng larong ito.



-Leandro Pasno

I-Rate ang aming site...