Pamamaalam…

ni: Kyle Laluces
(Isang Soneto)

Kaibigan, bakit ka malungkot at nalulumbay?
Hindi na masigla, at parang wala nang buhay?

Dahil ba’y aalis na ako sa mundong ito?
Dahil ba’y iiwan na kita, na siyang mahal ko?

Kay tagal ng ating pagsasama noon pa man,
At ito’y lalo pang lumago ng kalaunan.

Ngunit ngayon, tayong dal’wa ay tumatanda na,
At darating ang araw na tayo’y papanaw na.

Hindi ko mapipigil ang ikot nitong mundo,
Ni hindi mahihinto ang takbo ng panahon.

Sandali na lamang ang itatagal ko rito,
At ako’y magbabalik na sa piling ng Poon.

Nawa paglisan ko, at ika’y iiwanan na,
Masigla kang muli, at hindi na luluha pa…

I-Rate ang aming site...