ni: Gazelle Garcia
Ilang araw na ang lumipas
Mula nung tayo'y huling nagkita
Ngunit di parin kumukupas
Pagmamahal ko sa’yo, sinta
Hindi naging madali para sa akin
Na tanggapin ang mga pangyayari
Parang kahapon lang, ikaw ay akin
Ngayon ay halos hindi na kita mawari
Walang araw na hindi ka sumagi
Sa aking isipan at damdamin
Sa aking buhay, ikaw ay kabahagi
Na siyang nagbigay ng kahulugang mas malalim
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan
Ang bawat panibagong araw ng aking buhay
Lalo pa ngayong wala na ang aking sandalan
Ang taging dahilan kung bakit ang buhay ko’y may kulay