"HINDI KITA MAHAL."
‘Yan ang mga salitang paulit-ulit ko pa ring naririnig. Tatlong salitang nakapagdurog at nakapanghina sa akin. Hindi ko pa rin matanggap, na matapos ang tatlong taon ng ating magandang pagsasama, ay ganyan din ang maririnig ko. Tandang-tanda ko pa ang pangyayaring iyon… ang bawat katagang iyong sinambit, kasabay ng ekspresyon ng iyong mukha, ang iyong mga nagluluhang mata, ang iyong nanghihinang tindig, pati na ang huling paghawak mo sa aking mga kamay, pati na rin ang huling pagyakap... lahat ng iyon ay nakatatak sa aking puso't isipan.
Dalawang taon na ang nakalipas, ngunit tila kahapon lamang ang mga sandaling iyon… bawat araw ay sing bilis ng minuto. Haay… kung maibabalik ko lang ang panahon… na masaya kami, na ok pa ang lahat… Sana ay kasama ko pa ngayon si Marlon.
Bata pa lamang kami nang kami'y magkakilala. Araw-araw ko siyang nakikita pagkat magkapitbahay kami. Noong maliliit pa kami ay pinakilala na kami ng aming mga magulang sa isa't- isa, at iyon ang pinakauna naming pag-uusap. Simula noon, ay hindi na kami ulit nag-usap hanggang sa panahon na umabot na kami sa kolehiyo. Hahaha! Nakakatawang isipin… na kahit matagal na kaming magkapit-bahay ay noong kolehiyo lang naming nakilala ang isa't-isa. Pero bago ko pa man siya nakilala, ay nakakutob na ako na siya ay may taglay na kabutihan, at nakakaita na ako ng senyales na kami ay magkakasundo sa iba't ibang bagay. Kalaunan, ay mas naging malapit kami sa isa't-isa. Sa paglipas ng panahon, ay naging matalik kaming magkaibigan na di nagtagal ay humantong rin sa aming pag-iibigan.
Bawat araw na magkasama tayo ay sadyang napakasaya. Nagulat na lamang ako… nung isang araw, ay bigla kang lumapit sa akin kasabay ng iyong pagtitig sa aking mata, puno ng misteryo at tila may tinatago… at bigla mong sinabi, ang mga salitang iyon… "Aalis na’ko… Magpapakalayo… Ayaw kitang masaktan… Ngunit babalik din ako, pagkatapos ng dalawang taon… Pangako yan… Mag-iingat ka… Tandaan mo, hindi kita ---"
Tama na.
Noong gabing iyon, wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Umiyak. Tumunganga. Tumulala. Ganyan umikot ang mundo ko, nung mga unang araw na ikaw ay nawala. Hindi ko maintidihan, hindi ko lubusang maisip na magagawa mo sa akin iyon. Iniwan mo ako, nang hindi mo man lang sa akin ipinaliwanag ang lahat, hindi ko alam kung sa paano mo nasabi ang yaong mga masasakit na salita… gulong-gulo na ko… walang kahit isang paliwanag. Bakit? Ang paulit-ulit kong tanong sa aking sarili… Ano ba ang ginawa ko? Saan ako nagkulang? Bakit mo nasabi iyon? Bakit mo ginawa to? Bakit kailangan mo akong saktan? Bakit mo kailangang lumisan? Magpakalayo? Upang ako'y iwan? Bakit, bakit, bakit… mga tanong na lumiligid sa aking isipan, tila naghahanap ng kasagutan.
Simula noon, hindi ko na nalimutan pati ang iyong pangako… na matapos ang dalawang taon, ika'y magbabalik. Sa dalawang taon ng aking paghihintay, naging madalamhati ang buhay ko. Alam ng lahat na hindi naging madali sa akin ang iyong pagkawala… ganoon ko siya kamahal. Kaya naman ngayon, na dumating na ang panahon na aking pinakahihintay… ay nagdasal ako at nanalig para sa iyong ligtas na pagbabalik.
Pinaghandaan kong mabuti ang araw na iyon. Sabik na sabik na akong marinig ang iyong boses, makita ang iyong hitsura, ang iyong mukha, ang iyong tindig... ang kabuuang ikaw. Kinakabahan ako… ngayon na papalapit na kami sa paliparan para ikaw ay sunduin. Muli ay hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Magkahalong kaba, tuwa, pagaalala at kalungkutan… Haay… hindi ako mapakali sa sasakyan… hindi ko alam… binalak kong matulog sa biyahe nun pagkat hindi ako nakatulog ng gabing iyon sa sobrang pananabik. "Ano na kaya ang mangyayari mamaya?" tanong ko sa sarili ko. Sabay dagdag ng, "Bahala na".
Sa wakas… matapos ang ilang oras, ay nakarating na rin kami. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko mahinuha ang mga pwedeng mangyari sa pagkakataong iyon. Bigla ko tuloy naisip kung nasasabik din siyang makita ako. Habang palakad na kami sa kanyang kinarooonan, ay naririnig kong kinakausap ako ng kaibigan ko, ngunit hindi ko ito kinausap. Ayun… at natatanaw ko na ang kanyang mga magulang, tila walang reaksyon, mukang hindi ako nakita. Dali-dali akong naglakad patungo sa kanila.
"’Eto na talaga," sabi ko sa sarili ko, kasabay ng paghakbang papalapit sa kanila…
Sa wakas! Andito na’ko… sa lugar na kanilang kinaroroonan. Tumingin ako sa paligid. Bahagya akong napangiti. Hanggang sa di ko na napigilang tumawa sa paraang di ko pinahahalata kahit halatang-halata naman. Naalala ko bigla yung mga panahong maayos pa ang lahat… parati pa niya akong kinukulit. ‘Yun pang si Marlon! Lagi nga akong tinataguan nun eh, wahahaha… Inikot ko na ata ang lugar na iyon sa sobrang pananabik, inaasahang makikita at mahuhuli ko siyang nagtatago… parang baliw. Ngunit napakunot ako bigla… hahaha.. hindi ko siya makita. Huminto ako saglit… doon ko napansin ang nakakabinging katahimikan ng lugar. Ako lang pala ang nagsasalita, lahat ay nakatitig lang sa akin.
"Olive…" mahinang tawag sa akin ng kanyang ina. Dahan-dahan akong naglakad papalapit. Wala akong ideya sa sasabihin niya, o sa kung anung gagawin nya. Basta't lumapit na lang ako, at napaisip ako… nagtatanong sa sarili... "Ano bang nangyayari?" Sabay itinuro ng kanyang ina ang isang napakagandang sisidlan: isang jar na katamtaman lamang ang laki, na may magagandang disenyo at matitingkad na kulay na nagmistulang isang napaka-espesyal na gamit para sa mag-asawa. Tinitigan ko ito ng matagal… wala akong maisip… hindi ko makuha ang mensaheng nais iparating ng mga kanilang mga mata at ang gawing iyon ng pagturo sa jar. Binalot muli ng nakabibinging katahimikan ang lugar. Matapos ang ilang minuto ay hindi rin ako nakatagal. Binasag ko ang katahimikang iyon sa pagtatanong ng..
"Tita… ano---"
…at hindi na ako pinatapos nito sa aking pagtatanong. Kinuha nito ang panyong nakasiksik sa kanyang bulsa at agad itong ipinahid sa kanyang mga mata. Doon ko lamang napansin ang kanyang mga mata pagkat masyado akong naging abala sa pagtingin sa dekorasyon ng lalagyan. "Olive," ang muling sambit nito. Lalo akong lumapit sa kanya. Bigla niya akong hinawakan sa kamay, at pagkatapos ay niyakap ng mahigpit na mahigpit. Ramdam na ramdam ko ang emosyong iyon, na tulad ng isang ina sa kanyang anak, na tila matagal na hindi nagkita. Humikbi siya… hindi ko pa rin maintindihan ang lahat… at habang pinapatahan ko ang inang walang humpay ang pag-iyak ay naramdaman ko ang hanging iyon sa aking kabilang tenga… tila may ibinubulong siya sa akin. "Olive… Si Marlon… Ayan siya… Sa iyong likuran.." Sabay sa kayang muling paghikbi. Alalang-alala na ko… kahit hindi ko lubusang makuha ang mga tiyak na dahilan, ang mga rason… tumingin ako sa paligid ko, at doon ay nakita ko ang ama ni Marlon sa tabi ng ina niya, ang aking kaibigan, ang aking tiyahin. Lahat sila… pare-pareho ang pinta ng kanilang mukha… hanggang sa lumingon ako sa aking likuran…
Hindi ko siya nakita. Walang anino, o kaya nama’y bakas ng kanyang pagdating.
Ang tanging nakita ko lamang sa aking likuran ay ang napakagandang jar na kanina'y pumukaw sa aking atensyon. ‘Yun lang. Lumingon akong muli sa kanyang ina, na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.
Nakuha ko na ang lahat. Unti- unti ay tumulo na din ang mga luha sa aking mga mata. Hindi na ako nakapagsalita. Maya maya pa'y nilapitan na ako ng aking kaibigan na pilit akong pinapatahan sa aking pag-iyak. Pakiramdam ko ay bumabalik ako sa mga pangyayari ng nakaraan, gaya noong nakaraang dalawang taon… tulad ng mga panahong iyon. Ngayon ay hindi ako makapaniwala... "Nasaan na ang iyong pangako? Bakit?" muli kong tanong. Hindi ko ulit matanggap ang pangyayari… parang napaka-imposible ng lahat. Tama ka, nagbalik ka nga… gaya ng sabi mo… dalawang taon na ang nakalipas. Ngunit hindi ko inasahan na ganito pala iyon… na ganito pala ang inihanda mong pagbabalik…
Umuwi kaming lahat ng walang imik.
At pagdating sa bahay, ay kinausap ako ng kanyang ama. At doon ay naliwanagan ako sa mga bagay-bagay… sa pagtanggap ko ng katotohanan ay lalo akong naging emosyonal. Hindo ako makapaniwala na ang lahat ng nangyari at nangyayari ay talagang naihanda na bago pa man mangyari ang lahat. May sakit pala si Marlon, hindi ko alam. Itinago niya pala sa akin iyon pagkat ayaw niya akong mag-alala. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit siya nagpakalayo, kung bakit niya ako iniwan. May taning na pala ang buhay niya. At ayaw niya akong makita na nasasaktan habang tinitingnan ko siyang mabawian ng buhay.
Nanghihinayang ako… kung sinabi na lamang niya sa akin ang totoo, di sana ay nilaan na lang namin ang natitira pa niyang oras para maging masaya kaming dalawa. Naging mahaba ang dalawang taon ng aking paghihintay, ngunit mas magiging mahaba at makulay sana ito kung sinabi mo lang ito sa akin. Kung magkasama sana tayo. Ngunit ngayong tapos na ang lahat, wala na akong magagawa kundi tanggapin sa aking kalooban ang lahat ng mga pangyayari. Masakit man ito, wala akong magagawa kundi ang ipagpatuloy ang aking buhay. Walang mangyayari kung sisihin ko pa ang aking sarili. At alam ko rin, na kung nakikita niya ako ngayon ay magiging masaya siya para sa akin, pagkat ito naman talaga ang nararapat kong gawin.
Naniniwala ako, na ang lahat ng mga pangayayaring ito ay isa sa mga pagsubok ng Diyos para sa akin, at ngayong malapit ko nang malampasan ito, masaya ako dahil marami akong natutunan sa pagsubok na iyon na maaari kong magamit sa hinaharap. Kasabay nito, ay ang pagbukas ng panibagong yugto ng buhay at pagsubok na aking kakaharapin.
Natuldukan man ng kamatayan ang buhay ng aking minamahal, hindi pa rin magbabago ang aking pagmamahal para sa kanya. Pagkat kahit mamatay man ang mga nagmamahalan, ay hindi mamamatay ang kanilang pag-ibig. Kung sana'y nakikinig ngayon sa Marlon…
MAHAL KITA. At ang pag-ibig ko sa’yo ay walang hanggan. Pangako.

-Gazelle G. Garcia