Kabataang Pinoy, May Disiplina pa ba?

Ni: Lester Lizardo


Kabataan…Pag- asa daw ng bayan ayon kay Gat. Jose Rizal. Ngunit sa kasalukuyang panahon, tila unti- unti nang nawawala ang ilan sa mga magagandang ugaling Pilipino na dapat ay tinataglay nila, habang tumatagal ay nagbabago na sila at nagiging “liberated” ika nga.Isa sa mga ugaling ito ang pagkakaroon ng disiplina. Disiplina sa iba’t- ibang aspeto. Nariyan ang disiplina sa tahanan, pamayanan at sa paaralan.

Sa Tahanan.
Kung dati ay katulong ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa bahay, ngayon ay hindi na. gimik dito, gimik don. Inaabot hanggang madaling araw sa pag pa- party. Ni hindi iniisip ang kanilang mga magulang na alalang- alala sa paghihintay sa kanilang pag- uwi. Kung di naman gumigimik ay maghapon sa lansangan. Mga nagsisipagdesisyon na sa kanilang mga sarili kaya kahit na hindi payagan ay sige pa rin.

Sa Pamayanan.
May ibang kabataan na kung saan na lang abutin ng tawag ng kalikasan, doon na lang ilalabas ang sama ng loob. Hay naku! Daig pa ang hayop sa asal. Pati ang simpleng batas trapiko ay hindi na nila sinusunod. Kaawa- awa naman ang susunod na henerasyon ni Juan dela Cruz, sobrang polusyon na ang aabutan nila sa pagdating ng kanilang panahon.

Sa Paaralan.
Pagdating naman sa pag- aaral, iresponsable na rin nila. Aba, tama ba namang sa eskwelahan magsigawa ng assignment? At take note, nangongopya pa! bukod dito, marami na rin ang estudyante na talamak sa paninigarilyo, mapa babae o lalake. Pati ang mga bakod ay sinasampa nila para lang maka pag- cutting! Kung hindi naman ay mga nakatambay sa loob ng kampus at nagsusulat sa kung saan- saan. Kahit na mga simpleng pagtatapon lamang ng basura ay wala silang disiplina.

Ang mga kaugaliang ito, kapag hinayaan natin at hindi iwinasto ay maaring magdulot ng isang napakalaking kamalian sa ating buhay. Maaari nitong apektuhan ang ating pakikipagkapwa lalo’t higit ang ating pag- aaral.Kung isa ka sa mga nabanggit sa mga halimbawa dito, wag kang maging kampante, kumilos ka!!!

I-Rate ang aming site...